Catriona Gray, inalala ang ika-isang taong anibersaryo nang mahirang bilang Miss Universe

Inalala ni Catriona Gray ang ika-isang taong anibersaryo matapos siyang makoronahan bilang Miss Universe 2018.

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post si Catriona ng mga larawan sa mismong araw matapos siyang manalo sa prestihiyosong beauty pageant.

Ibinahagi rin ni Catriona ang kauna-unahan niyang selfie matapos mahirang bilang Miss Universe.

Sa caption ng post, sinabi ng Filipino beauty queen na iyon ang eksaktong pangyayari na bumago sa kaniyang buhay.

Habang buhay aniya siyang magpapasalamat sa lahat ng humubog, sumuporta at nagdasal para sa kaniya.

Aniya pa, “It was this moment that proved to me that faith does conquer fear. That taking a risk in the pursuit of a dream can sometimes give you an even greater gift than you ever could dream of.”

Read more...