Ito ang naging bwelta ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa alegasyon ni Vice President Leni Robredo na walang malasakit ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte nang kwestyunin ang pagkaantala ng kanyang pasabog kaugnay sa mga hindi kanais-nais na nadiskubre sa war on drugs dahil sa naganap na lindol sa Davao.
Ayon kay Panelo, alibi na lamang ito ni Robredo dahil kung totoong may pasabog ito, matagal na sanang isinawalat sa publiko.
Sinabi pa ni Panelo na hindi naman mahihinto ang pag-ayuda ng pamahalaan sa mga nabiktima ng lindol kung itinuloy ni Robredo ang paglalabas ng report sa war on drugs.
Bwelta pa ni Panelo, maaring si Robredo ang walang malasakit dahil wala ito sa Naga nang salantain ang kanyang bayan ng bagyo noong 2016.
Sinabi pa ni Panelo na hindi na sana nagpatawag ng press conference noong araw ng Lunes, December 16, si Robredo
kung wala rin lang naman ilalabas na report sa publiko.