Wax figure ni Manny Pacquiao, ipinasilip

Si Senator Manny Pacquiao ang panibagong Filipino na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds.

Ito ay inanunsiyo ng Madame Tussauds Hong Kong gamit ang kanilang official Instagram account.

Ipinasilip ng Madame Tussauds Hong Kong ang ilang larawan kung saan makikita ang itsura ng wax figure ng Filipino boxing champion.

Maliban dito, inilabas din ang video teaser kung saan makikita ang photoshoot at kung paano binuo ang wax figure.

Ilalabas ang wax figure ni Pacquiao sa taong 2020.

Si Pacquiao ang ikalawang Filipino na nagkaroon ng wax figure sa nasabing museum.

Unang nagkaroon nito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na inilabas noong March 2018.

Read more...