Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa 7th floor ng gusali ngunit agad din itong naapula pagsapit ng 10:53 ng umaga.
Nasa 190 pasyente ang kinailangang ilikas nang magkasunog sa isang bahagi ng nasabing ospital.
Dinala ang ibang pasyente sa katapat na fastfood chain.
Ang iba naman ay pinalipat ng ibang gusali.
May ilang medical tests na naantala dahil nawalan ng kuryente sa ospital.
Samantala, ang ilang pasyenteng naka-intubate pa o nakakabit sa respirator ay mano-manong tinulungan para makahinga habang lumilikas.
Ayon kay SSupt. Jaime Ramirez, fire marshal ng Quezon City, nasa P200,000 ang halaga ng pinsala bunsod ng sunog.
Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.