Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang inspeksyon at binisita rin ang Calumpit construction site sa nasabing proyekto.
Magkokonekta ang 38-kilometer railway project sa Bulacan hanggang Maynila at pabalik.
Magkakaroon ito ng sampung istasyon: Tutuban, Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto at Malolos station.
Mayroon din itong depot sa 14 ektaryang lote sa Valenzuela City.
Oras na simulan ang partial operations nito sa fourth quarter ng 2021, mula sa isang oras at 30 minuto, bababa na 35 minuto ang biyahe sa pagitan ng Tutuban, Manila at Malolos, Bulacan.
Inaasahang maseserbisyuhan nito ang nasa 300,000 pasahero kada araw.