Magbawas ng press briefing, isa sa mga New Year’s resolution ni Panelo

Kagaya ng isang ordinaryong mamamayan, mayroon ding New Year’s resolution si Presidential spokesman Salvador Panelo pagpasok ng taong 2020.

Ayon kay Panelo, target niyang bawasan ang pagsasagawa ng press briefing sa susunod na taon.

Gayunman, tiniyak ni Panelo na dadagdagan na lamang niya ang pag-iisyu ng mga press statement.

Ayon kay Panelo, napapansin na kasi ng kanyang mga anak na para na siyang isang makina na walang tigil sa pagtatrabaho.

Madalas din kasi aniyang inaabot siya ng madaling-araw sa kagagawa ng statement dahil sa iskedyul ng pangulo.

Regular na nagsasagawa ng press briefing si Panelo sa Malacañang Press Corps tuwing araw ng Lunes, Martes at Huwebes.

Read more...