Magsaysay, Davao Del Sur niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Davao del Sur, Martes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometers Southwest sa bayan ng Magsaysay bandang 2:07 ng hapon.

May lalim ang lindol na 21 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:

Intensity 5:
– Hagonoy, Davao del Sur

Intensity 4:
– Davao City

Intensity 3:
– Kidapawan City

Naitala rin ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 4:
– Davao City

Intensity 3:
– Kidapawan City

Intensity 1:
– Kiamba, Sarangani

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...