LOOK: Mga kanseladong biyahe sa Martes (December 17):

Kanselado ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Martes (December 17).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang masamang lagay ng panahon.

Kinansela ang dalawang flight ng Cebgo sa NAIA Terminal 4 na:
DG 6177 na biyaheng Manila – Masbate
DG 6178 na biyaheng Masbate – Manila

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Read more...