LOOK: Area B ng common station ng LRT at MRT 96 percent nang kumpleto

Halos patapos na ang Area B ng common station ng LRT-1, MRT-3, MRT-7 at Metro Manila Subway.

Binisita ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang ginagawang common station sa bahagi ng North EDSA.

Ang Area B nito ay 96 percent nang kumpleto.

Magugunitang natengga ng matagal ang proyekto dahil sa problema kung saan ito itatayo.

24/7 ang konstruksyon ng common station at inaasahang magiging operational na ito sa 2021.

Tinatayang aabot sa 478,000 na pasahero kada araw ang maseserbisyuhan nito.

Read more...