Ito ang inanunsiyo ng BSP matapos nilang isapubliko ang bagong P20 na barya maging ang pinagandang P5 barya.
Ayon kay BSP Sr. Asst. Gov. Dahlia Luna bahagi ito ng kanilang new generation coin series.
Paliwanag pa ni Luna ang P20 perang papel ang itinuturing na ‘most circulated bank note’ o ang pinaka gamit na pera sa bansa kayat madali itong masira.
Nabatid na sa unang tatlong buwan ng susunod na taon ay maglalabas pa ang BSP ng mga bagong P20 coin.
Sa bagong barya, sa harap ay makikita ang mukha ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang unang pangulo ng Philippine Commonwealth.
Sa likod naman ng barya ay ang logo ng BSP at Palasyo ng Malakanyang, gayundin ang halaman na ‘Nilad’ na pinaghugutan ng Maynila, ang kapitolyo ng bansa.
Inaasahan naman na hanggang taon 2021 ay nasa sirkulasyon pa ang papel na P20.