LOOK: Mga lansangang maaapektuhan ng MMFF Prade of Stars 2019 sa Linggo, Dec. 22

Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang listahan ng mga lansangan na maaapektuhan ng gagawing Parde of Stars para sa Metro Manila Fim Festival.

Gagawin ang parada sa December 22, araw ng Linggo kung saan walong floats ng walong pelikula ang matutunghayan.

Ayon sa MMDA narito ang magiging ruta ng parada:

– Lakeshore C-6
– Right turn to ML Quezon Avenue
– Left turn to MRT Avenue
– Right turn Cuasay
– Right turn to CP Garcia (C-5)
– Left turn to Upper Mckinley Road
– Right turn to Lawton Ave.
– Right turn to Mckinley Parkway
– Left turn to 32nd St.
– Left turn to 7th Ave.
– Right turn to 26th St.
– Left turn to 5th Ave.
– Right turn to Le Grand Ave. and Chateau Road

Narito naman ang mga isasarang lansangan:

– Along ML Quezon (from Dr. A. Santos to MRT)
– Along MRT (from ML Quezon to Cuasay)
– Along Cuasay (from MRT to C-5)
– C-5 Service Road cor. Cayetano Boulevard

Ang nasabing mga kalsada ay muling bubuksan alas 7:00 ng gabi ng Linggo (Dec. 22).

Magpapatupad ang MMDA ng counterflow traffic sa sumusunod:

– Along Upper Mckinley Road (C-5 to Lawton Ave.)
– Along Lawton – 5th St. (Upper Mckinley to Mckinley Parkway)
– Along 32nd Ave. (Mckinley Parkway to 7th Ave.)

Magpapatupad ng Stop-and-Go traffic sa sumusunod na kalsada:

– C5 Upper Mckinley
– C5 Service Road – Sampaguita Bridge
– Mckinley Parkway – 26h Ave

Alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 7:00 ng gabi ang parada.

Inabisuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga lansangan at humanap ng ibang ruta para hindi maabala.

 

Read more...