Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng batikos na hindi pagsasapubliko ng pangulo sa kanyang SALN.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sumusunod lamang ang pangulo sa itinatakda ng batas na magsumite ng kanyang SALN sa Office of the Ombudsman.
Bahala na aniya ang Ombudsman kung ilalabas o hindi ang SALN ng pangulo.
Wala aniyang itinatagong yaman ang pangulo.
Kung mayroon man aniyang kwestyon sa SALN ng pangulo, hindi na sana ito nagsumite sa Ombudsman.
Kung sa mga nakalipas aniyang administrasyon ay walang kahirap-hirap at kusang ipinalalabas ng palasyo ang SALN ng mga nagdaang presidente, hindi aniya ito istilo ni Pangulong Duterte.