Sa inihaing House Bill 5775 ni Salceda, nais nito na magkaroon ng 2-day special emergency leave with pay ang mga empleyado ng public at private sector sa bansa.
Sakop sa panukala na mabibigyan ng leave tuwing may kalamidad o anumang natural disasters ang mga empleyado na nakapagtrabaho na ng anim na buwan.
Hindi naman kasali sa panukala ang mga government workers at employees na kailangan sa disaster, relief, at rescue operation.
Ayon kay Salceda, hindi lamang tulong ang kailangan na ibigay ng gobyerno kundi pati panahon para makapagplano sa muling pagbangon at pagsasaayos sa mga pag-aaring sinira ng kalamidad.
Kada taon ay aabot sa 20 hanggang 25 bagyo ang sumasalanta sa bansa bukod pa ito sa nakapwesto ang Pilipinas sa “Pacific Ring of Fire”.