Kontrata ng pamahalaan sa mga kumpanya ng kuryente pinasisilip na ng Malakanyang

Matapos ibunyag ang tagilid na kontrata sa Maynilad at Manila Water, pinasisilip na rin ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata ng pamahalaan sa mga kompanya ng kuryente.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais kasi ng pangulo na mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga consumers na kumokonsumo ng mga pangunahing pangangailangan sa araw- araw.

Gayunman, hindi tinukoy ni Panelo kung anong eksaktong kumpanya ng kuryente ang isusunod na target ng pangulo.

Pagtityak ni Panelo, hindi palalagpasin ni Pangulong Duterte ang anumang uri ng pang-aabuso sa taong bayan.

Bukod sa kontrata at tubig, sunod ring ipabubusisi ng pangulo ang kontrata sa transportation, telekomunikasyon at iba pa.

Read more...