2 patay, nasa 20 sugatan sa aksidente sa Cavite

Dalawa ang kumpirmadong nasawi sa aksidente na naganap sa bayan ng Mendez – Nuñez sa lalawigan ng cavite.

Ayon sa Mendez Municipal Police Office, isang truck na puno ng mga buhangin ang nawalan ng preno.

Inararo nito ang isang pampasaherong jeep, SUV at mga tricycle mataong bahagi ng kalsada malapit sa palengke at simbahan bago tuluyang bumangga sa isang puno.

Hindipa tukoy ang pagkakilanlan ng dalawang nasawi habang mayroon pang nasa 20 katao ang nasa ospital.

Nangyari ito pasado alas 7:00 ng umaga kanina.

Ito na ang ikalawang malagim na aksidente sa kalsada ngayong araw umaga.

Ang una ay sa Cardona, Rizal kung saan mayroong 9 na nasawi.

Read more...