Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) simula alas 6:01 ng gabi hanggang alas 11: 59 ng gabi ng Lunes (Dec. 16) umabot na sa 45,849 ang naitalang mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Sa Central Visayas mayroong pinakamaraming naitalang pasahero na umabot sa 10,981; sinundan ng Western Visayas na mayroong 9,799 na bumiyaheng pasahero; Sa Southern Tagalog – 7,191 na pasahero; at sa Northern Mindanao – 6,533 na pasahero.
Ang iba pang pantalan na may naitalang maraming pasaherong bumiyahe ay ang mga sumusunod:
– National Capital Region – 1,442
– Palawan – 494
– Northwestern Luzon – 383
– South Eastern Mindanao – 156
– Bicol – 2,614
– Eastern Visayas – 3,540
– Southern Visayas – 2,716
Patuloy ang gagawing monitoring ng Coast Guard sa mga pantalan sa bansa ngayong Holiday Season.