Patay sa lindol sa Davao Del Sur umakyat na sa pito

Umakyat na sa pito ang bilang ng nasawi sa malakas na magnitude 6.9 na lindol sa Daval Del Sur.

Karamihan sa mga nasawi ay pawang mula sa bayan ng Padada na sentro ng lindol.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay National Disaster RisReduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, may mga nasawi din mula sa Matanao at Hagonoy, Davao Del Sur.

Sa Matanao, inatake sa puso ang isang 81 anyos na lola at ang isang 6 na taong gulang na batang babae na nabagsakan ng debris sa kanilang bahay.

Dahil may mga nararanasang aftershocks ay sinuspinde ang retrieval operations sa humuhong grocery store.

Inaalam pa rin ayon kay Timbal kung ilan ang bilang ng nasa loob ng grocery store nang mangyari ang pagyanig.

Read more...