Easterlies magpapaulan sa Visayas at Mindanao

Northeasterly surface windflow at easterlies ang weather systems na nakakaapekto sa bansa sa kasalukuyan.

Dahil sa Easterlies, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Eastern at Central Visayas at buong Mindanao.

Bunsod naman ng northeasterly surface windflow, ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.

Sa Ilocos Region pulo-pulong mahihinang pag-ulan lang ang mararanasan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maalinsangang panahon ang iiral na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon at gabi.

Ang maalinsangang panahon sa Metro Manila ay mararanasan hanggang bukas bunsod ng panandaliang paghinto ng pag-ihip o ‘break’ ng Amihan.

Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying-dagat ng bansa kaya malayang makapaglalayag ang mga mangingisda.

Read more...