Malacañang: NPA dapat huminto sa pag-atake kung gustong ituloy ang peace talks

Iginiit ng Palasyo ng Malacañang na dapat huminto ang New People’s Army (NPA) sa mga isinasagawang pag-atake laban sa gobyerno.

Sa press briefing araw ng Lunes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kwestyonable ang sinseridad ng NPA sa usapang pangkapayapaan kung hindi ititigil ang mga pag-atake.

“Siyempre ayaw natin iyon. Iyong mga NPAs kung gusto talaga nilang makipag-usap eh dapat tigilan na nila iyong ginagawa nila. Kasi when you do that, your sincerity is in question with respect to peace talks,” ani Panelo.

Ang pahayag ni Panelo ay matapos masawi ang tatlo katao kabilang ang isang tatlong taong gulang na bata sa umano’y pag-atake ng NPA rebels sa Eastern Samar noong Huwebes

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III na makipag-usap kay CPP-NPA leader Jose Maria Sison para sa muling pagpapatuloy ng peace talks.
Hindi pa naman matiyak ni Panelo kung may epekto ang pag-atake sa Eastern Samar sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.

Read more...