Mula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, pinakamalakas ang magnitude 4.3 na tumama alas-3:54 ng madaling-araw.
Naitala ang episentro nito sa layong walong kilometro Timog-Silangan ng Kiblawan at may lalim na 13 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Alabel, Sarangani at Tupi, South Cotabato.
Intensity I naman sa General Santos City at Koronadal City.
Sumunod sa pinakamalakas ay ang magnitude 3.9 na naitala alas-12:21 at ang episetro ay sa layong 12 kilometro Timog-Lanluran ng bayan ng Sulop, Davao del Sur.
Naitala sa pagyanig ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity IV – Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato
Intensity III – Koronadal City
Intensity II – General Santos City
Intensity I – Kiamba, Sarangani
Una nang sinabi ng Phivolcs na posible pa rin ang malalakas na aftershocks matapos ang malakas na lindol noong Linggo.