Pulis patay sa pananambang sa Taguig

Nasawi ang isang aktibong pulis matapos pagbabarilin sa Bagumbayan, Taguig, Lunes ng gabi.

Ayon sa paunang ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kinilala ang pulis na si Police Master Sergeant Napoleon Zamora, 45 anyos.

Pauwi ang biktima sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin ito ng apat na lalaki sa Manuel L. Quezon Street.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Zamora na agad nitong ikinasawi.

Ang pulis ay naka-assign sa Regional Headquarters Support Unit sa Camp Bagong Diwa.

Inaalam ngayon ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ang pamamaril sa biktima.

Read more...