Magugunitang matapos ang 55 taon, hindi na ang Binibining Pilipinas Charities Inc. ang hahawak sa kinatawan ng bansa sa pinakaprestihiyong pageant.
Sa kanilang social media pages, inanunsyo ng bagong MUP group ang pagbubukas ang aplikasyon para sa aspiring beauty queens.
“The first step for an empowered, confident, and beautiful Filipina to conquer the Universe begins today. The application process for the first-ever Miss Universe Philippines Pageant happening in 2020 is now officially open,” ayon sa post.
Kailangan lamang i-download ng mga aplikante ang form, i-fill-out at ipadala ang scanned copy sa contact@missuniverseph.com.
Ang deadline ng submission ng application forms ay sa January 18, 2020.
Magaganap naman ang screening sa January 20 hanggang 24, 2020 at itinakda ang final screening sa January 25.
Ang national director ng MUP ay si 2011 Miss Universe runner-up Shamcey Supsup.
Kasama ni Supsup sa pagtaguyod sa pageant sina Albert Andrada at Jonas Gaffud na tatayo bilang design council head at creative director.