Sa inilabas na 58-pahinang desisyon ng 4th Division ng Sandiganbayan, sinabi nito na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang mga alegasyon sa mga Marcos.
Pinonente ni 4th Division Chairperson Alex Quiroz ang desisyon.
Ang kaso ay inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong 1987 para mabawi ang mga ninakaw na pondo at mga iligal na yaman ng rehimeng Marcos.
Kabilang sa sinasabing mga illegally-acquired assets ng pamilyang Marcos ay ang P976-million deposits sa Security at Trust Bank, P711-million deposit sa Traders Royal Bank, 33 parcels ng residential properties na may halagang P18 million, P33-million agricultural land sa Leyte, P1.6-billion stocks sa PLDT, $292 million deposits sa iba’t ibang bangko sa Estados Unidos, $98 million na investment sa industrial at mining corps sa US at mga hindi pa matukoy na halaga na mga properties sa New York, London, Hawaii, Beverly Hills, California at Mississippi.
Ito na ang ikalimang civil forfeiture case na pinagpasyahan ng Sandiganbayan laban sa pamilya Marcos kung saan apat ang pumabor sa kanila at isa ang ikinatalo ng mga ito.