PCG, nasa heightened alert na para sa holiday season

Nasa heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa bansa kasabay ng holiday season sa taong 2019.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Joel Garcia, ito ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019” simula Lunes, December 16, hanggang January 5, 2020.

Kasunod ito ng direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade na tiyaking maging ligtas at komportable ang lahat ng transportation services para sa publiko.

“All PCG units are directed to be on heightened alert and intensify safety and security measures on national ports and ferry terminals this Christmas season to ensure the orderly operations of all sea transport facilities; the safe and covenient travel of the riding public; and the security at beaches and local resorts,” ani Garcia.

Ipinakalat na din ang assets ng PCG sa mga pangunahing pantalan sa bansa tulad ng 55-meter multi-mission offshore vessels, siyam na 44-meter multi role response vessel, anim na 30-meter monitoring control surveillance vessel, dalawang 35-meter search and rescue vessels, at tatlong 24-meter fast patrol boats.

Nakahanda rin ang maliliit na sasakyang-pandagat tulad ng dalawang 12-meter high speed boat, sampung seven-meter rigid hull inflatable boats, at ilang aluminum at rubber boats para rumesponde sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente.

24/7 na ring nakaalerto ang Special Operations Forces, Harbor Patrols, at Ship Inspectors sa mga pantalan.

Maliban dito, mayroon ding mga tauhan ng PCG sa mga Malasakit Help Desk sa bansa, katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang masiguro na walang maritime incident o casualty ngayong Kapaskuhan.

Read more...