Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, mas lumala ang pinsala sa mga gusali na dati nang tinamaan ng sunod-sunod na lindol noong Oktubre at Nobyembre.
Kabilang sa government structures na matinding napinsala ng pagyanig ay ang Magsaysay Municipal Hall sa Davao del Sur.
Nakapagtala na ng mahigit 450 na aftershocks simula kahapon kung saan 41 ang naramdaman.
Ayon pa kay Timbal, kapag nagkakaroon ng malakas na aftershocks ay itinitigil nila ang rescue operation dahil iniiwasan nilang maipit ang mga rescuers sa bumigay na gusali.
Matatandaang noong Oktubre lamang ay nakaranas ng serye ng malalakas na lindol na naramdaman maging sa mga kalapit na lalawigan ang lalawigan ng Cotabato.