Ilang pasahero, nagsimula nang dumagsa sa mga pantalan

FILE PHOTO

Nagsimula nang dumagsa ang ilang pasahero sa mga pantalan sa bansa.

Ito ay may kaugnayan sa “Oplan Biyaheng Ayos: Krismas 2019.”

Sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa kabuuang 17,518 ang outbound passengers sa mga pantalan.

Ito ay naitala mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Lunes (December 16).

Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Northern Mindanao na may 5,902 na pasahero.

Narito naman ang bilang ng mga pasahero sa iba pang pantalan:
– Southern Tagalog (2,983)
– Central Visayas (2,364)
– Western Visayas (1,798)
– Southern Visayas (1,721)
– Eastern Visayas (753)
– South Eastern Mindanao (165)

Read more...