Water level ng Angat dam nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam sa magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydro-meteorology division, nasa 196.67 meters ang water level ng Angat Dam, alas-6 ng umaga ng

Lunes (December 16) mas mataas sa 196.23 meters na antas nito kahapon.

Nanatili naman ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.68 meters.

Nagdagdagan din ang water level ng Ipo, Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.

Samantala, nabawasan ang water level ng San Roque at Pantabangan dams.

 

Read more...