Naitala ang magnitude 4.3 na lindol sa Cotabato.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers Southeast ng bayan ng Tulunan, ala-1:57 umaga ng Lunes (December 16) at may lalim na 16 kilometers.
Naitala ang instrumental intensity 2 sa Kidapawan City at intensity 1 sa Koronadal City.
Naitala naman ang magnitude 4.6 na lindol sa 9 kilometer Northeast sa bayan ng Lutayan lalawigan ng Sultan Kudarat; alas-2:24 ng umaga at may lalim na 28 kilometers.
Naitala ang instrumental intensity 4 sa Kidapawan City, intensity 3 sa Tupi, South Cotabato at intensity 2 sa Alabel, Sarangani; Koronadal City; General Santos City.
Magnitude 4.3 na lindol naman ang naitala sa 6 kilometers Southwest ng bayan ng Matanao sa lalawigan ng Davao Del Sur, alas-3:02 ng umaga at may lalim na 9 kilometers.
Naitala ang instrumental intensity 4 sa Kidapawan City, intensity 3 sa Koronadal City; Tupi, South Cotabato, intensity 2 sa General Santos City; Alabel, Sarangani at intensity 1 sa Kiamba, Sarangani.
Naitala rin ang magnitude 4.1 na lindol sa 20 kilometers Northwest ng bayan ng Malungon sa lalawigan ng Sarangani, alas-3:10 ng umaga at may lalim na 26 kilometers.
Naitala naman ang instrumental intensity 2 sa Tupi, South Cotabato.