Northeast Monsoon patuloy na nakakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon

Patuloy na makararanas ng mahihinang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Lunes (December 16).

Ayon sa 5AM weather update ng PAGASA, apektado ng Aminahan o Northeast Monsoon ang Hilaga at Gitnang Luzon na magdadala ng mahihinang mga pag-ulan sa lugar.

Patuloy naman na makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang mga pag-ulan sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region, Quezon at Aurora dahil pa rin sa epekto ng Amihan.

Ang nalalabing bahagi naman ng gitnang Luzon at Ilocos region ay patuloy na makararanas ng maaliwalas na panahon maliban na lamang sa mga mahihinang pulo-pulong mga pag-ulan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay asahan ang maaliwalas na panahon at posibilidad ng mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Mindanao at ilang bahagi ng Silangan ng Visayas Region dahil sa epekto naman ng Easterlies.

Base naman sa monitoring ang PAGASA ay walang inaasahang mamumuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...