Mga tulay at kalsada sa Region 12, ligtas daanan – DPWH

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maaaring daanan ng mga motorista ang mga tulay at kalsada sa Region 12.

Ito ay makaraang yumanig ang magnitude 6.9 na lindol sa Matanao, Davao del Sur bandang 2:11 ng hapon.

Sa abiso ng DPWH Region 12, ligtas daanan ang mga tulay sa Soccsksargen.

Patuloy pa rin naman anila ang isinasagawang inspeksyon at pagtutok sa mga imprastraktura sa mga lugar na apektado ng lindol.

Read more...