Power transmission services ng NGCP, normal pa rin

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na normal pa rin ang kanilang power transmission services.

Ito ay matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur bandang 2:11 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na walang napaulat na nasira sa kanilang transmission facilities sa Davao del Sur at mga karating-bayan kung saan naramdaman ang pagyanig.

Dahil dito, nananatiling intact ang Mindanao Grid.

Read more...