M6.9 na lindol sa Matanao, Davao del Sur sinundan pa ng ilang pagyanig

Sinundan pa ng mga pagyanig ang Matanao, Davao del Sur matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol, Linggo ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, yumanig ang magnitude 3.5 na lindol bandang 2:32 ng hapon.

May lalim itong 3 kilometers.

Dahil dito, naitala ang intensity 3 sa Kidapawan City habang instrumental intensity 3 naman sa kaparehong lugar.

Makalipas ang ilang minuto, sunod na tumama ang magnitude 5.2 na lindol bandang 3:09 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 2:
– Gingoog City, Misamis Oriental

Intensity 1:
– Cagayan de Oro City

Kapwa tectonic ang dahilan ang dalawang pagyanig.

Wala namang napaulat na pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...