Walang banta ng tsunami matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur – Phivolcs

Tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tsunami matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur, Linggo ng hapon.

Sa inilabas na abiso, sinabi ng ahensiya na malabong magkaroon ng tsunami matapos ang malakas na lindol.

Unang napaulat na tumama ang lindol sa bayan ng Padada.

Ngunit batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 9 kilometers Northwest ng Matanao bandang 2:11 ng hapon.

Bunsod nito, naramdaman ang ilang intensities sa mga kalapit na lalawigan.

Read more...