Lubang, Occidental Mindoro nilindol

Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Occidental Mindoro, Linggo ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 16 kilometers Northeast ng Lubang bandang 1:00 ng hapon.

May lalim ang lindol na 19 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...