Miss Jamaica Toni-Ann Singh, hinirang bilang Miss World 2019

Hinirang ang pambato ng Jamaica na si Toni-Ann Singh bilang Miss World 2019.

Natalo ni Singh ang nasa 110 kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa ginanap na beauty pageant sa ExCel Arena sa London, United Kingdom.

Nagwagi naman bilang first runner-up si Ophely Mezino mula sa France habang second runner-up naman si Miss India Suman Ratansingh Rao.

Samantala, nakapasok ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa Top 12 semi-finalists.

Walang naiuwing korona ang Pilipinas sa apat na prestihiyosong beauty pageant kabilang Miss Universe, Miss World, Miss International at Miss Earth sa taong 2019.

Read more...