Ilang kalsada sa Pasig City, isasara para sa Paskotitap 2019 sa Linggo (Dec. 15)

PHOTO CREDIT: Pasig City DRRMO/FACEBOOK

Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Pasig City, araw ng Linggo (December 15).

Sa abiso ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), ito ay bunsod ng idaraos na Paskotitap 2019 Parade of Lights/Lanterns.

Narito ang mga sumusunod na apektadong kalsada:
– Caruncho Avenue hanggang harap ng city hall (1:00 ng hapon onwards)
– Eagle Street (5:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi)
– Dr. Sixto Antonio Avenue (6:00 hanggang 7:00 ng gabi)
– Pasig Boulevard hanggang Vargas Bridge/Rotonda (6:00 hanggang 7:00 ng gabi)
– A. Mabini Street (6:00 hanggang 7:00 ng gabi)
– Plaza Rizal Intersection (6:00 hanggang 7:00 ng gabi)
– F. Manalo Street hanggang harap ng city hall (6:00 hanggang 8:00 ng gabi)

Inabisuhan ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta para hindi maabala.

Read more...