Bangkay ng babae, natagpuan ng PCG sa Negros Occidental

Natagpuang wala nang buhay ang isang babae sa Kabankalan City, Negros Occidental, araw ng Sabado (December 14).

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakita ng PCG Sub-Station sa Himamaylan at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) sa Kabankalan ang bangkay ng dalagang biktima matapos tumalon sa Talubangi Bridge.

Kinilala ang biktima na si Mitzel Tagapan, 19-anyos na first year college student sa Kabankalan Catholic College.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, mayroong depression si Tagapan bago nangyari ang insidente.

Dinala na ang katawan ng biktima sa kaniyang pamilya at dinala sa pinakamalapit na punerarya.

Read more...