LOOK: Ilang sugatang sundalo at pulis sa Sulu, ginawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang sugatang sundalo at pulis sa Jolo, Sulu araw ng Sabado, December 14.

Batay sa larawang ibinahagi ni Senator Christopher “Bong” Go, binisita ng pangulo ang mga sundalo at pulis na wounded in action (WIA) sa Trauma Ward ng Camp Teodulfo Bautista Station Hospital (CTBSH) sa loob ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters (KHTBH).

Ginawaran ng pangulo ang mga sundalo at pulis ng Order of Lapu-Lapu.

Personal na ipinarating ng pangulo at ng senador ang kanilang pasasalamat para sa pagsasakripisyo sa bansa.

Read more...