Presyo ng mga produktong petrolyo, inaasahang tataas sa susunod na linggo

Nakaambang magpatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Shell, magkakaroon ng dagdag na P0.60 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Nasa P0.40 naman ang itataas ng kada litro ng kanilang diesel.

Samantala, walang magiging pagbabago sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ukol sa kanilang ipatutupad na oil price adjustment sa susunod na linggo.

Read more...