5 patay, 33 sugatan sa banggaan sa Quezon

Nasawi ang lima katao habang sugatan ang 33 iba pa sa nangyaring banggaan sa Pagbilao, Quezon, araw ng Sabado.

Ayon sa pulisya, nangyari ang aksidente sa bahagi ng New Diversion Road sa bahagi ng Barangay Silangang Malicboy.

Sangkot sa aksidente ang isang pampasaherong bus at trak.

Patuloy pa naman ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...