Namataan ng PAGASA ang isang shallow low pressure area (LPA) ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa weather update bandang 5:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na malabo naman itong lumakas at maging isang bagyo sa mga susunod na araw.
Ibig-sabihin nito, tiniyak ni Ordinario na walang inaasahang papasok na bagyo hanggang sa susunod na linggo, lalo na sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa Lunes, December 16.
Samantala, patuloy namang umiiral ang easterlies sa Visayas at Mindanao.
Dahil dito, asahan pa rin aniya ang kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang kidlat at pagkulog sa Mindanao kasama ang Bicol region at Eastern Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES