Tumamang lindol sa Davao Oriental, itinaas sa magnitude 4.8

(UPDATED) Itinaas sa magnitude 4.8 ang tumamang lindol sa Davao Oriental, Sabado ng hapon.

Batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 44 kilometers Southeast ng Governor Generoso bandang 2:39 ng hapon.

May lalim ang lindol na 75 kilometers at tectonic ang dahilan.

Unang napaulat na magnitude 4.4 ang lakas ng pagyanig.

Wala namang napaulat na pinsala matapos ang lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Read more...