Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na mariin nilang kinokondena ang pag-atake ng rebeldeng grupo na naging sanhi ng pagkasawi ng isang pulis at pagkasugat ng hindi bababa sa limang katao sa Barangay Libuton.
Ani de Guia, ang pag-atake ng NPA ay isang direktang paglabag sa international humanitarian law.
Mag-iimbestiga rin aniya ang CHR lalo’t may mga ulat na mayroong mga estudyante na sangkot sa insidente.
Samantala, umaasa aniya ang CHR na ang resulta ng inaasahang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo sa susunod na taon ay hudyat ng pagsisimula ng kapayapaan sa bansa.
Nagparating naman ng pakikiramay si de Guia sa pamilya at kaibigan ng nasawing pulis at iba pang biktima.