Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 26 kilometers Southwest ng Davao City bandang 8:27 ng umaga.
1 kilometer ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.
Bunsod nito, naitala ang intensity 2 sa Davao City.
Naitala rin ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Davao City
Intensity 1 – Kidapawan City
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
READ NEXT
Eroplano na patungong Japan, lumagpas sa bahagi ng Runway 13-31 sa NAIA; Clearing ops, patuloy pa rin
MOST READ
LATEST STORIES