Makabayan bloc, handang kwestyunin ang pag-amyenda sa 1987 Constitution sa SC

Nakahanda ang Makabayan bloc sa Kamara na kuwestyunin ang pag-amyenda sa 1987 Constitution sa Korte Suprema sakaling aprubahan ito ng Kongreso.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, hindi ordinaryong batas ang pag-amyenda sa konstitusyon na maaring idaan lamang sa legislative process.

Ang dapat anya dito ay specific at nakalagay sa batas na kung kailangang baguhin ang saligang batas ay sa pamamagitan ng constituent assembly (ConAss) at constitutional convention (ConCon) subalit kung simpleng amendment lang ay maari itong people’s initiative.

Iginiit ng kongresista na maliban sa ConAss at Concon ay walang nakasaad sa 1987 Constitution na maari ang amendment sa pamamagitan ng lehislasyon.

Aminado naman ang mambabatas na sa ngayon ay “premature” pa para gawin ito dahil kakalusot pa lamang sa committee level ng mga
panukalang mag aamyenda sa 1987 constitution.

Sa kabila nito, naniniwala naman si Zarate na posibleng makapasa sa Kamara ang nasabing panukala lalo pa kung may kumpas mula sa
liderato.

Read more...