Ayon kay Rodriguez, hindi magiging banta sa seguridad at sa soberenya ng bansa ang pag-alis ng limitasyon sa pamumuhunan ng mga dayuhan.
Kailangan na aniya na luwagan ang foreign investment sa bansa dahil tanging ang Pilipinas na lamang sa Asya ang may mahigpit na probisyon pagdating sa ekonomiya.
Napapanahon na aniya na hikayatin ang mas maraming foreign investment dahil mangangahulugan ito ng dagdag na kita para sa gobyerno gayundin ang dagdag na trabaho para sa mga Filipino.
Sa katunayan, sabi ni Rodriquez ay suportado ng business sector na luwagan ang economic provision dahil tataas din ang purchasing power ng publiko.