Pasig River rehab, sisimulan na ng DENR

Nakatakdang magpulong sa December 16 ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at 12 pang government agencies para pag-usapan ang implementasyon ng gagawing clearing operation sa kahabaan ng Pasig River.

Inaasahan na dadalo rin sa pagtitipon sina Manila Mayor Isko Moreno, Pasig City Mayor Vico Sotto at Makati City Abby Binay.

Ang hakbang na ito ng DENR ay kabilang sa inilabas na mandamus ng Supreme Court upang linisin, isaayos at pangalagaan ang Manila Bay.

Una na ring ipinag-utos ni DENR Secretary Roy Cimatu, chairman ng Manila Bay Task Force, na tanggalin ang lahat ng bara at harang sa 24-kilometer ng Pasig River para sa muling pagbuhay ng ferry sa ilog bilang bahagi ng isinagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Lumalabas sa pag-aaral na one-fifth sa organic pollution na napupunta sa Manila Bay ay nanggagaling sa Pasig River basin.

Read more...