BI natimbog ang tatlong pawang mga wanted na dayuhan

Inihahanda na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation ng dalawang Amerikano at isang Koryano na kapwa wanted sa kanilang mga bansa dahil sa iba’t ibang kaso.

Ayon sa BI, inaresto ang mga ito sa magkakahiwalay na operasyon sa Nothern, Central Luzon at Maynila.

Nakilala ang American nationals na si Alvin Buguina Go Tan, 49-anyos na natimbog sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa US Embassy, si Tan ay may kinakaharap na arrest warrant mula sa Washoe County, Nevada dahil sa panggagahasa sa isang menor de edad.

Natimbog naman sa San Fernando City, Pampanga si Ephraim Hizon Garcia, 64-anyos na wanted Washington, D.C. para sa kasong bribery, illegal gratuities at paglabag sa US federal anti-kickback act.

Bago pa naaresto si Garcia, may kinakaharap na rin itong summary deportation order at isinama na rin sa immigration blacklist.

Natimbog naman sa Malate, Maynila ang Korean national na Choi Beomki, 52-anyos na wanted sa kasong fraud sa Seoul.

Ayon sa Korean embassy, si Choi ay nakapangloko na ng marami at nakatangay ng mahigit 400 million won sa real estate investments.

Subject din si Choi ng red notice ng Interpol.

Nakapiit na ang tatlo sa Immigration detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay pa ang kanilang deportation order.

Read more...