Makilala, Cotabato nilindol

Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Cotabato, Biyernes ng tanghali.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 9 kilometers Southeast ng Makilala bandang 12:18 ng tanghali.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...