Isa patay sa sunog sa Maynila

Isang lalaki ang nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area sa Espiritu St, Paco, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Ruel Camero na sinasabing nagkulong sa CR ng bahay.

Ginagamot naman sa Ospital ng Maynila ang live in partner nito na si Anita Rose Tejas.

Ayon kay Police Colonel Sam Cayabyab ng Manila Police District, bago maganap ang sunog ay lumabas ng bahay ang partner na duguan.

Sinasabing sinaksak ng nasawi ang kanyang live in partner saka nagkulong sa CR ng bahay.

Ilang minuto ang nakalipas, nagsimula na ang sunog sa bahay ni Camero.

Nagsimula ang sunog ganap na 10:41 at Idineklarang fire out ganap na 11:31 ng umaga na umabot lamang sa unang alarma.

Read more...